Sasalang sa Licensure Examination ang mga aspiring Electrical Engineers at Master Electrician sa Ilocos sa darating na August 18 hanggang 20, sa Rosales Pangasinan.
Sa Region I, mayroong kabuuang 72 examinees sa Registered Electrical Engineers at 12 naman Registered Master Electricians.
Pinaalalahanan ang mga kukuha ng pagsusulit na dalhin ang kanilang Notice of Admission, Official Receipt, at iba pang kinakailangang gamit sa araw ng eksaminasyon.
Samantala, inabisuhan ang mga ito na tiyakin ang Room Assignment, at alamin ang ilan pang kaalaman ukol sa eksaminasyon sa www.prc.gov.ph tatlo hanggang limang araw bago ang scheduled exam. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









