Cauayan City, Isabela- Kinumpirma ni BGen. Gerardo Zamudio ng Philippine Air Force na umakyat na sa 84% ang mga bayan sa Pilipinas na nakapagdeklara ng Persona-non-Grata laban sa CPP-NPA-NDF.
Ito ang inihayag ng opisyal sa ika-16 na episode ng Usapang Pangkapayapaa, Usapang Pangkaunlaran (UPUP) Cagayan Valley.
Sa panayam ng iFM Cauayan kay BGen. Zamudio, ilan sa nakikitang dahilan para sa natitirang porsyento ng mga bayan na hindi pa nagdedeklara ay dahil umano sa takot na rin.
Gayunpaman, hindi rin umano maaaring pilitin ang mga Local Government Units (LGUs) na diktahan para lamang magdeklara dahil kusa naman dapat itong gawin.
Samantala, umabot na sa 842 barangay sa bansa ang nagdeklara ng persona-non-grata dahil sa karahasang dulot ng mga miyembro mg rebeldeng grupo.
Paalala rin nito na sa publiko na maging mapanuri at iwasan na ang magpagamit sa mga rebelde.
Sinabi pa niya na gagawin lang dekorasyon ang magpapalinlang sa mga rebeldeng grupo.
Pinuri rin niya ang Tactical Operations Group 2 (TOG2) Philippine Air force dahil sa pagdaraos ng ganitong programa.
Malaki rin umano ang papel ng media sa lipunan para ipalaganap ang mga hakbangin ng bansa laban sa insurhensiya.