84 pulis, nasugatan sa malawakang kilos-protesta kahapon

Nakapagtala ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng 84 na mga pulis na sugatan sa isinagawang malawakang kilos-protesta kahapon, Sept. 21, 2025

Sa datos ng Philippine National Police (PNP), 15 dito ang kinailangang dalhin sa ospital dahil sa tinamong sugat sa kanilang ulo, braso, hita, mata kung saan isa ang inoperahan dahil sa laceration sa kanyang braso.

Sa panig naman ng mga militante, 72 ang inaresto matapos sumiklab ang tensyon kahapon sa Ayala bridge at Mendiola.

Ang mga nahuling raliyista ay ipaghaharap ng paglabag sa Public Assembly Act 880, pati na rin ang iresistance or disobedience to authority, direct assault, malicious mischief at serious physical injuries.

Magkagayunman, idineklara parin ng PNP na generally peafecul ang mga ikinasang pagkilos kahapon kontra katiwalian.

Facebook Comments