
Aabot sa 84 wanted persons, kabilang ang 11 sa listahan ng mga most wanted, ang naaresto ng Pangasinan Police Provincial Office (PangPPO) sa serye ng operasyon mula Oktubre 17 hanggang 23, 2025.
Kasabay nito, nagsagawa rin ang Pangasinan PNP ng 40 operasyon laban sa ilegal na droga na nagresulta sa pagkakaaresto ng 40 suspek at pagkakakumpiska ng mahigit ₱1.4 milyong halaga ng shabu.
Sa kampanya laban sa loose firearms, 15 operasyon ang isinagawa na nagresulta sa pag-aresto ng 7 katao at pagkakakumpiska ng 10 hindi lisensyadong baril.
Patuloy ang Pangasinan PNP sa mga operasyon upang mapanagot ang mga lumalabag sa batas at mapanatili ang kapayapaan sa lalawigan.
Facebook Comments









