Tiniyak ng Citicore Renewable Energy Corporation na mapapakinabangan pa ng mga interesadong magsasaka ang 30-40 porsyento ng 85 ektaryang sakahan na itinatayong Solar Power Plant sa kahabaan ng Balingueo, Sta. Barbara.
Sa pagharap ng Corporate Affairs at Legal Team ng kumpanya sa regular session ng Pamahalaang Panlalawigan, agro solar approach ang magiging siste sa pagitan ng pasilidad at mga magsasaka dahil maaari silang makapagtanim ng high value crops sa ilalim, sa pagitan at sa loob ng perimeter.
Bukod pa dito, didiretso din sa mga pananim ang tubig na ginagamit panglinis sa mga solar panels.
Nagkaroon na rin umano ng konsultasyon sa mga kooperatiba na interesado sa agro solar approach at patuloy na nagsasagawa ng soil analysis upang malaman anong mga pananim ang kakayaning mabuhay sa uri ng lupa.
Saad ng ilang mambabatas ang pagtitiyak sa kabuhayan ng mga magsasaka sa kabila ng mabuting epekto na iminumungkahi ng solar power sa ekonomiya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









