85 flights sa NAIA, kanselado dahil sa sama ng panahon

50

Naglabas ng abiso ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na 85 flights nito ang kanselado ngayon dahil sa sama ng panahon na dulot ng Bagyong Odette.

Sa nasabing bilang, 42 nito ang arrival flights o mga flight papuntang NAIA at 43 ang departure flights o mga flights na palabas ng NAIA.

Sa NAIA Terminal 2, kanselado ang mga flight ng Philippine Airlines o PAL na may biyaheng Manila-Butuan-Manila, Manila-Tacloban-Manila, Manila-Siargao-Manila, Manila-Caticlan (Boracay)-Manila, Manila-Cebu-Manila, Manila-Iloilo-Manila, Manila-Tagbilaran (Panglao)-Manila.


Sa Terminal 3, kaselado rin ang flights ng CebGo na may biyaheng Manila – Siargao – Manila at Manila – Boracay (Caticlan) – Manila

Nagkansela rin ng flights ang Cebu Pacific na may biyaheng Manila – Butuan – Manila,
Manila – Cebu – Manila, Manila – Boracay (Caticlan) – Manila.

Ganoon din ang biyahe ng AirAsia Philippines na Manila-Caticlan -Manila.



Facebook Comments