85 milyong kabataang Pilipino, bakunado na kontra measles; 6 milyon, nabakunahan din kontra polio

Pumalo na sa 90.3% o 85 milyong kabataang Pilipino ang nabakunahan kontra measles-rubella sa ilalim ng Mass Vaccination Program ng pamahalaan.

Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecreatry Maria Rosario Vergeire, naganap ang unang bahagi ng kampanya nitong Oktubre hanggang Nobyembre 2020 at ngayong Pebrero naman ang ikalawang bahagi.

Maliban dito, 87% at 6 milyon din ang nabakunahan kontra polio kung saan kabilang ang mga kabataang edad 5 taon pababa na nakatira sa Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON at Visayas.


Patuloy naman ang panghikayat ng DOH sa mga magulang na pabakunahan na kontra polio at measles ang kanilang anak.

Sa ngayon, pinuri ni World Health Organization (WHO) Representative to the Philippines Dr. Rabindra Abeyasinghe ang resulta ng pagbabakuna ng Pilipinas.

Sa kabila kasi aniya ng nararanasang pandemya at bagyo ng bansa ay malayo ang narating ng pagbabakuna para sa mga kabataan kontra tigdas, rubella at polio.

Gayunman sinabi ni Abeyasinghe na kailangan pa ring palakasin ang pagbabakuna upang matugunan at maabot ang target na bilang ng mga kabataan.

Facebook Comments