Aabot sa 85% ng mga Pilipino ang nangangambang mahawa sila ng Coronavirus Disease o COVID-19.
Batay sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS), lumabas na 63% ang lubhang nag-aalala na mahawaan ng virus, 22% ang nag-aalala, 9% ang bahagyang nag-aalala at 6% ang hindi nag-aalala.
Mayorya ng mga nag-aalala ay mula sa Balance Luzon na may 87%, sinundan ng Visayas na may 84%, Metro Manila na may 83% at Mindanao na mayroong 80%.
Bumaba naman ang worry rate ng COVID-19 sa Metro Manila sa 83% mula sa 92% noong Mayo at Hulyo.
Isinagawa ang survey noong September 17 hanggang 20, 2020 sa 1,249 Pinoy na may edad 18 pataas gamit ang mobile phone at computer-assisted telephone interview.
Facebook Comments