Naniniwala ang 8 sa 10 Pinoy na naging kapani-paniwala ang naganap na 2022 presidential election.
Ito ang lumabas sa Pulse Asia survey na ginawa noong nakalipas na June 2022 mula sa 1,200 na mga respondents.
85% ng mga natanong ang nagsabing may kredibilidad at naging malinis ang halalan.
9 sa bawat 10 Pilipino ang nagsabing satisfied sila sa resulta ng halalan habang 8 sa bawat 10 na tinanong ay sinabing malaki ang tiwala nila sa naganap na halalan.
Tinanong din ang mga ito kung naging unfair ba ang mga media organization noong panahon ng kampanya.
32% ang sumang-ayon at 41% ang hindi sumang-ayon o nagsabing hindi bias ang kanilang pag-uulat.
86% din ng mga sumagot ang nagsabing mabilis ang resulta ng bilangan kumpara sa 9% na mas mabagal ang nagdaang mga halalan.
39% naman ang sumagot at naniniwala na nabawasan ang dayaan noong halalan 2022 at 5% ang sumagot na nagkaroon ng malawakang dayaan.