Umabot na sa 85% ng mga pampublikong transportasyon ang nakabalik sa pagbibigay serbisyo sa gitna ng epekto ng COVID-19.
Ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairperson Martin Delgra III, nagmula ito sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa.
Nadagdag sa bilang ng mga binuksan ang anim na ruta para sa mga UV Express na mayroong 255 units.
Tiniyak naman ng LTFRB ang patuloy na pag-monitor kung nasusunod ang mga health protocols tulad ng tamang pagsusuot ng face mask, face shields, paglalagay ng plastic barriers at tamang bilang ng mga pasahero sa mga sasakyan.
Facebook Comments