Umabot na sa 85% ng mga healthcare worker ng Philippine Army ang nkatanggap na ng kanilang booster shots, anim na buwan matapos makumpleto ang kanilang mga bakuna.
Ayon kay Col. Jonna Dalaguit, commanding officer ng Army General Hospital sa Fort Bonifacio, Taguig City, katumbas ito ng 300 booster shots na naiturok sa kanilang mga healthcare worker.
Ito aniya ay dagdag-proteksyon sa mga ito para mas makapagsilbi sa mga sundalo, dependents at mga civilian laban sa nakahahawa at nakamamatay na COVID-19.
Sinabi naman ni Philippine Army Spokesperson Col. Xerxes Trinidad na simula nang magbigay ng go signal ang Department of Health nitong November 17 ay agad nilang sinimulan ang pagbibigay ng mga booster shot sa kanilang mga medical personnel sa mga military treatment facilities sa buong bansa.