Nasagip ng Naval Forces Western Mindanao ang 78 pasahero at pitong crew ng isang barko na nasiraan ng makina sa karagatan ng Tawi-Tawi.
Nang matunton ang lokasyon nito sa karagatan na siyam na milya mula sa Bakalao Point, Sibutu, Tawi-Tawi habang tumatawid sa Sibutu passage bandang tanghali inilunsad ang rescue operation sa pamamagitan ng BRP Jose Loor Sr.
Agad itong hinila ng barko ng Philippine Navy patungong Lamion Wharf sa Bongao, Tawi-Tawi kung saan binigyan ng pagkain ang lahat ng sakay.
Nai-turnover din ang mga ito sa Ministry of Social Services and Development para sa stress debriefing bago pinauwi.
Muli namang pinaalalahanan ni Naval Forces Western Mindanao Commander, RAdm. Donn Anthony Miraflor ang lahat ng mandaragat na siguraduhing nasa maayos na kondisyon ang kanilang mga sasakyang pandagat para sa kaligtasan ng kanilang mga pasahero.