8,500 duplicates sa tally ng COVID-19, tinanggal na ng DOH

Tinanggal na ng Department of Health (DOH) ang nasa 8,500 duplicates sa kanilang COVID-19 tally.

Ito ay matapos masama sa tally ng DOH ang mga duplicates na naitala nitong June 12, 2020 hanggang January 31, 2021.

Kabilang na dito ang mga kaso ng gumaling pero kalaunan ay namatay rin.


Bagama’t maliit lang ang epekto ng numero pero kung titignan ito sa kabuuan, posibleng umabot sa libo ang bilang ng mga tinanggal mula sa mga kaso sa total tally ng COVID-19 infections.

Samantala, pinagbibitiw naman sa tungkulin ni Senador Panfilo Lacson kung sinuman ang nagbigay ng maling impormasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa mga bibilhing bakuna.

Paliwanag ni Lacson, nakakasira sa Pangulo at maging sa bansa ang maling ulat na kasama ang Pilipinas sa hindi pagbebentahan ng European Union ng COVID-19 vaccine na AstraZeneca.

Dapat aniyang masibak ito para maisalba o maiiwas ang bansa sa international embarrassment.

Matatandaang una nang nilinaw ng EU na exempted o hindi kasama ang Pilipinas sa paghihigpit nito sa mga bansang pagbebentahan ng bakuna.

Facebook Comments