86-anyos, patay matapos pukpukin ng babae dahil sa umano’y paglabag sa coronavirus social distancing

(Unsplash)

NEW YORK CITY – Patay ang isang 86-anyos na pasyente ng Brooklyn Hospital matapos pabagsakin ng hindi kilalang babae dahil umano sa paglabag nito sa coronavirus social distancing.

Nasawi ang biktimang si Janie Marshall noong Sabado, alas 5:40 p.m apat na oras matapos ang nangyaring kumprontasyon sa hallway ng naturang ospital.

Ayon sa report ng New York Police Dapartment (NYPD), bandang alas 2:00 p.m nang mangyari ang insidente matapos umanong kunin ni Marshall ang isang metal stand malapit sa kamang inuupuan naman ng suspek na si Cassandra Lundy, 32.


Bigla na lamang daw inatake ni Lundy si Marshall at nireklamong hindi sumusunod sa social distancing saka pinatamaan ng pukpok sa ulo, rason para bumagsak ang matanda.

Batay pa sa ulat ng pulisya, nakuhanan daw sa video ang buong pangyayari bagama’t wala namang nakasaksi ng aktwal.

Dahil sa insidente, agad naglabas ng disorderly conduct ang mga pulis laban sa suspek na agad namang napalaya.

Hihintay na lamang ng awtoridad ang resulta ng awtopsiya para malaman kung ano ang naging dahilan ng pagkamatay ni Marshall.

Kung mapapatunayan na nasawi ang biktima dahil sa krimen, haharap sa mas mataas na reklamo si Lundy.

Samantala, naireport na una nang humarap sa 17 pagdakip si Lundy dahil sa drug possession, trespass, assault and strangulation.

Nakipag-uganayan na rin ang NYC Health and Hospitals sa NYPD para sa imbestigasyon.

Facebook Comments