86 Close Contact ng First COVID-19 Patient sa Batanes, Negatibo sa resulta ng Swab Test

Cauayan City, Isabela- Hindi inaprubahan ng Regional Inter-agency Task Force ang hiling ng lalawigan ng Batanes na isailalim ang lugar sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) matapos makapagtala ng kumpirmadong kaso ng COVID-19.

Ayon sa pahayag ng RIATF, hindi sapat na basehan para isailalim sa ECQ ang lalawigan kung kaya’t pag-aaralan pa nila itong mabuti.

Pangamba kasi ng probinsya ang posibleng pagkalat ng virus sa kanilang lugar kung kaya’t inihain nila ang rekomendasyon sa RIATF.


Nagsagawa rin ng Economic Sector Meeting ang bumubuo nito upang pag-aralan ang hakbang na ilalatag para sa mga quarantine classification na hindi direktang makakaapekto sa ekonomiya ng Batanes.

Samantala, negatibo ang resulta ng swab test ng kabuuang 86 na first and second-generation close contacts ng kauna-unahang nagpositibo sa virus sa probinsya.

Habang ang specimens’ samples ng 18 close contacts ng ikalawang pasyenteng nagpositibo sa virus ay ipinadala na sa DOH para sa gagawing pagsusuri habang isinasailalim sa mahigpit na quarantine protocol ang mga ito.

Sa ngayon ay nananatiling asymptomatic ang dalawang COVID-19 patient at nasa maayos na kondisyon ng kalusugan.

Facebook Comments