86 lungsod sa bansa, nakapagpasa na ng Smoke-Free Ordinance – DILG

Inihayag ng pamunuan ng Department of Interior and Local Government na abot na sa 86 na lungsod ang nakapagpasa na  ng kani-kanilang mga smoke-free ordinance bilang tugon sa Executive Order ni Pangulong Rodrigo Duterte na inilabas  dalawang taon na ang nakakalipas.

Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, mula nang ilabas ang EO, nakita ng DILG ang aktibong pagtugon ng mga LGU’s sa pamamagitan ng paglikha ng mga polisiya para sa proteksyon ng publiko lalo na laban sa exposure sa usok ng sigarilyo.

Kasama na rito ang paglalagay ng Designated Smoking Areas, at pagbuo ng Smoke-Free Task Force at iba pa.


Paliwanag ng opisyal, magkatuwang ang DILG at Health Justice na nagsagawa ng pagsusuri sa mga Local Ordinance ng mga lungsod sa buong bansa upang alamin kung naaayon ang mga ito sa itinatadhana ng EO 26.

Facebook Comments