86 na mga dating rebelde nakatanggap ng 1.7 milyong pisong livelihood settlement grant

Tumanggap ng mahigit 1.7 milyong pisong livelihood settlement grant ang 86 na mga dating rebelde mula sa San Fernando at Kitaotao, Bukidnon.

 

Bawat isang dating rebelde ay tumanggap ng 20,000 pisong financial assistance na gagamitin sa kanilang livelihood project.

 

Ang mge benepisyaryo ay dating miyembro ng underground mass organization at regular na miyembro ng New People’s Army (NPA).


 

Ang pagbibigay ng tulong sa mga ito ay bahagi ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) sa ilalim ng Executive Order No. 70 bilang bahagi ng “whole of nation approach” laban sa local communist armed conflict.

Facebook Comments