86 NA OFFSHORE EARTHQUAKES, NAITALA SA ILOCOS SUR MULA DISYEMBRE 17 HANGGANG 22

Nagsagawa ng ulat ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) noong Linggo ukol sa 86 na offshore earthquakes na naitala sa Ilocos Sur mula Disyembre 17 hanggang 22.

Ayon sa Phivolcs, 61 sa mga ito ay na-plot na, at dalawa sa mga lindol ay naramdaman ng mga residente noong Linggo ng hapon, bandang 5 p.m.

Noong Biyernes, sinabi ng mga seismologist ng ahensya na 49 na lindol ang naitala kanlurang hilaga-kanlurang bahagi ng Santa Catalina, Ilocos Sur, mula Disyembre 17 hanggang 20.

Ang mga ito ay kasalukuyang isinama sa kabuuang bilang ng 61 na na-plot na lindol. Ang pinakamalakas na lindol sa serye ay naganap noong Disyembre 19, 2024, alas-9:09 ng umaga (PST), na may magnitude na M5.0 at may lalim na 27 km, ayon sa Phivolcs.

Inalerto na rin ng Office of Civil Defense (OCD) ang mga lokal na pamahalaan sa Ilocos Region, Cagayan Valley, at Central Luzon upang ihanda ang kanilang mga earthquake at tsunami evacuation plans kasunod ng serye ng offshore earthquakes sa Ilocos Sur. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments