86% ng mga pasyente ng PGH na tinamaan ng COVID-19, hindi pa nababakunahan – PGH

Tinatayang aabot sa 86% ng mga pasyente sa Philippine General Hospital (PGH) ang hindi pa nababakunahan kontra COVID-19.

Ayon kay PGH spokesperson Dr. Jonas del Rosario, sa kabuuang 154 pasyente sa ospital na tinamaan ng COVID-19, 86% ang hindi pa nababakuhanan, 11% ang nakatanggap na ng unang doses at 3% ang nakakumpleto na ng bakuna o yung mga fully vaccinated na.

Sa bilang naman ng mga hindi pa nababakunahan, nilinaw ni Del Rosario na pawang moderate cases ang mga ito at kakaunti ang mga severe o nasa kritikal na kundisyon.


Sa ngayon, malapit na sa 70% ang occupancy ng ospital kung saan okupado na ang 7 sa 8 pediatric ICU beds.

Facebook Comments