Karagdagang walong daang PNP personnel, i-de-deploy sa BAR hinggil sa nalalapit na BSKE 2023

Magpapadala ng dagdag na walong daang mga tauhan ang Philippine National Police (PNP) sa Bangsamoro Autonomous Region (BAR).

Ayon kay PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr., ang ipapadalang dagdag na police force ay magmumula sa National Capital Region Police Office (NCRPO), Special Action Force at ang iba ay mula sa Police Regional Offices.

Samantala, sinabi pa ni Acorda na mayroon nang natukoy na 356 na mga barangay ang nasa ilalim ng red category, 1,323 ang nasa ORANGE CATEGORY, 1, 231 ang nasa yellow category at 39, 114 barangay ang nasa ilalim ng green category.


Mayroong kabuuang 187,600 police personnel ang i-de-deploy para sa BSKE para matiyak ang mapayapa, maayos, ligtas at may integridad na eleksyon 2023.

Facebook Comments