866,810 NA INDIBIDWAL SA ILOCOS REGION TARGET NA MABIGYAN NG 1ST BOOSTER DOSE SA ISASAGAWANG BAKUNAHANG BAYAN SA SUSUNOD NA LINGGO

Target ng Department of Health-Center for Health Development 1 na mabigyan ng 1st booster dose ang 866, 810 na indibidwal na kabilang sa eligible population sa isasagawang Bakunahang Bayan; Special Covid-19 Vaccination Days.
Ito ay isasagawa mula September 26-30 sa apat na probinsya ng rehiyon.
Sa kasalukuyang datos ng ahensya mayroon ng 275, 739 na indibidwal o 24. 13% ang nabakunahan ng first booster dose.

Ayon kay Dr. Rheuel Bobis, COVID19 Focal Person, tiwala itong makakamit ang naturang target dahil sapat ang bakuna at mga vaccinators sa rehiyon na handang makiisa sa programa.
Aniya, lahat ng indibidwal na edad 12 pataas ay eligible na para sa 1st booster dose kung kayat hinihikayat ang mga ito na magpabakuna dahil kadalasan ang naitatalang kaso ng covid19 ngayon ay mga indibidwal na walang booster shot.
Samantala ang Vigan City, Candon City, Batac City at San Fernando City ang nakapagbakuna na ng higit 50% ng eligible population nito ang nabigyan ng first booster dose kasama an ang 27 LGUs sa Ilocos Region. | ifmnews
Facebook Comments