86TH IB, NAGSAGAWA NG FIRST AID AT BLS TRAINING SA TUMAUINI

Cauayan City – Sumailalim sa pagsasanay sa First Aid and Basic Life Support ang mga opisyal, Barangay Health Workers, at Barangay Peacekeeping and Action Team ng Brgy. Lapogan, Tumauini, Isabela.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng Lokal na pamahalaan ng Tumauini katuwang ang 86th Infantry “Highlander” Battalion.

57 indibidwal ang nakilahok sa nabanggit na pagsasanay kung saan naging sentro nito ang pagbabahagi ng angkop na kaalaman at kasanayan patungkol sa paunang lunas na kanilang magagamit sa pagiging first responders.


Samantala, malaki naman ang maitutulong ng pagsasanay na ito dahil ang pagiging mas epektibo, malakas at mahusay na paghahatid serbisyo ng mga miyembro ng Barangay ay magreresulta sa mas ligtas na komunidad.

Facebook Comments