*Jones, Isabela*-Patuloy ang kampanya ng Department of Environment and Natural Resources Region 2 sa kanilang adbokasiya laban sa mga iligal na pamumutol ng kahoy sa ilang lugar sa rehiyon dos kasabay din ito ng pagtatapos ng kanilang Long Week Celebration ng nasabing tanggapan.
Kasabay nito ay ginawaran naman ang ilang ahensya ng gobyerno sa kanilang kontribusyon sa pagtugis sa talamak na pamumutol ng kahoy gaya ng 86th Infantry Battalion ng Philippine Army na kamakailan lang ay narekober nila ang may 46 piraso na pinutol na kahoy sa Brgy.Mabbayad, Echague, Isabela.
Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Lt.Col Remigio Dulatre, Commanding Officer ng 86th IB, nakatanggap ang kanilang hanay ng parangal dahil sa kanilang nagawang accomplishments sa pagpapatupad upang mapanatili ang magandang kalikasan.
Dagdag pa ni Col. Dulatre, di niya inaasahan na gagawaran sila ng parangal kung kaya’t laking pasasalamat nila sa naigawad sa kanilang kasundaluhan.
Patuloy naman ang kanilang pagtulong upang panatilihin ang pagpapaganda ng kalikasan at naging maayos din aniya ang kanilang koordinasyon sa ilang lalawigan na kanilang nasasakupan gaya ng Quirino, Nueva Vizcaya at Isabela upang masugpo ang pamumutol ng kahoy.