87.5M HALAGA NG CASH ASSISTANCE, IBABAHAGI SA MGA MAGSASAKA SA KALINGA

Cauayan City, Isabela- Nakatakdang tumanggap ng tulong pinansyal mula sa Department of Agriculture (DA) ang kabuuang 17,516 na mga magsasaka sa Lalawigan ng Kalinga ngayong Hulyo 2022.

Ang nasabing tulong pinansyal ay bahagi ng pagpapatupad ng ikalawang yugto ng Rice Competitiveness Enhancement Fund-Rice Farmers Financial Assistance (RCEF-RFFA).

Ang tulong na ito ay ibibigay sa mga kwalipikadong magsasaka na nawalan ng kita dahil sa mababang presyo ng palay.
Ayon sa ahensya, ang mga magsasakang tatanggap ng tulong ay mga hindi tumanggap ng cash assistance noong nakaraang taon.

Ayon kay Juliana B. Aclam, Assistant Provincial Agriculturist ng Kalinga, nasa kabuuang 6,910 recipients mula sa iba’t-ibang bayan ang mabibigyan ng nasabing tulong.

Iginiit nman ni Cameron Odsey, Regional Executive Director na ipagpapatuloy nila ang pagsuporta sa mga magsasaka sa nasabing probinsya.

TAGS;RCEF-RFFA,Kalinga, DA,Farmers

Facebook Comments