87.8 billion pesos na SAP cash aid, naipamahagi na ng DSWD

Nasa 82.5 percent na ang naipapamahaging cash assistance ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP).

Batay sa datos ng DSWD, nasa P87.8-Billion na cash aid ang naipamahagi na sa may 14.8 million SAP beneficiaries sa buong bansa.

P61.3 billion naman ang naipamahagi sa mga sampung milyon na Non-Pantawid pamilya beneficiaries habang nasa mahigit tatlong milyong pisong ayuda ang naibigay sa may 40,000 na pamilya ng TNVS at PUV.


Nasa 18 million na pamilya ang target na mabigyan ng DSWD ng tulong pinansyal.

Nabatid na P100 billion ang inilaan ng ahensya sa unang bugso o tranche ng distribusyon ng SAP cash assistance.

Facebook Comments