87 anyos gustong manalo ng Brandnew na sasakyan sa RMN

185

Pagadian City, Zamboanga del sur——Lumuwas pa sa Lungsod ng Pagadian City Lalawigan ng Zamboanga del sur ang isang 87 anyos na lola mula sa Bayan ng Dumalinao upang makasali lang sa Radyo Milyonaryo Nationwide Promo 2017 ng RMN.
Si Lola Arcadia Egam, residenti ng Purok 2, Rebokon, Dumalinao personal na pumunta sa istasyon ng RMN-DXPR Pagadian upang magpalit ng kanyang mga naipong mga sachet ng Milo, Bearbrand upang makakuha ng coupons at makasali sa ikatlong weekly draw ng Radyo Milyonaryo Nationwide Promo 2017 Biyernes ng hapon.
Aniya masayang-masaya siya dahil nakita niya personal ang kanyang mga idolo sa Radyo na si Mel Coronel, Kenneth Bustamante at Buknoy Dumapit, di akalain ni lola Arcadia na mismong si Manager Mel Coronel pa ang nagtimpla ng kanyang mainit na coffee sa kanyang pagdating.
Di rin akalain ni lola Arcadia na mababait ang mga taga DXPR, kaya lubos ang kanyang pasasalamat dahil sa kanyang unang pagbisita sa istayon nang dahil sa promo na umaasa din ito na siya ang makakakuha ng Brandnew na sasakyan na Chevrolet Trail Blazer na siyang Grandprize winner ngayong darating na Agosto 11, 2017.
Dagdag pa nito na kahit malayo ang kanilang lugar, binigyan niya ng panahon at oras upang mabisita ang istasyon dahil hanggang sa mga tinig lamang napapakinggan ni lola Arcadia. Kahit sa edad nito nagawa pa niyang sumulat sa lahat ng kanyang mga coupons at hindi ito umuwi sa kanilang Barangay hangga’t hindi naubos na masulatan ang kanyang mga coupons. (DXPR News Responds Team)

Facebook Comments