
Umabot sa 872 suspek ang naaresto sa iba’t ibang operasyon ng pulisya mula Setyembre 8–14, 2025.
Ayon kay acting PNP Chief PLt.Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., sa nasabing bilang, 119 dito ang tinaguriang most wanted.
Nagsagawa rin ang pulisya ng 205 anti-drug operations kung saan 299 suspek ang nasakote kabilang ang isang high-value target at 53 street pushers.
Nasamsam din ang 1,054 gramo ng shabu, 1,048 gramo ng marijuana leaves, at 209 gramo ng kush na aabot sa P7.6 milyon ang halaga.
Bukod dito, nakapagsagawa rin ng 140 anti-illegal gambling operations ang pulisya na nagresulta sa pagkakaaresto ng 295 indibidwal, at 41 katao rin ang natimbog dahil sa pagdadala ng hindi rehistradong mga armas.
Nakapagtala rin ng 57,821 paglabag sa ordinansa mula sa pag-inom, paninigarilyo sa publiko, pag-ihi sa kalsada, hanggang sa curfew ng mga menor de edad.










