Nasa 88 ballot boxes na ang mano-manong na-audit ng Commission on Elections (Comelec) at ng iba pang election watchdog.
Ayon sa latest random manual audit (RMA) bulletin, kasalukuyan nang pinoproseso ng RMA committee ang 16 ballot boxes kung saan pinili ang ballot boxes mula sa 757 clustered precincts upang magsagawa ng RMA.
Kasama ng COMELEC sa pagsasagawa ng RMA ang mga election watchdog na Legal Network for Truthful Elections (LENTE), National Citizens’ Movement for Free Elections (Namfrel), Philippine Statistics Authority, Philippine Institute of Certified Accountants (PICPA).
Nagsimula ang manual audit noong May 12 at inaasahang matatapos ito makalipas ang 45 araw.
Samantala, umabot na sa 66,574 election returns ang natanggap ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) para sa kanilang parallel count kaugnay sa May 9 elections.