88 ilog sa bansa, inirerekomendang gamitin sa flood control at water distribution system

Screenshot from RTVM

Inirekomenda ng Department of Environment and Natural Resources kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang paggamit sa 88 ilog sa bansa para sa flood control, domestic water, at hydro power.

Sa pulong kasama ang Private Sector Advisory Council (PSAC) – Infrastructure Sector Group, natalakay ang ipinatutupad ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na flood control basins project sa ilalim ng infrastructure flagship projects.

Ayon sa PSAC, malaking bagay ang paggamit sa mga ilog upang maibsan ang mga pagbaha at mapalawak ang water distribution.


Samantala, inirerekomenda rin ng grupo na dapat tularan ng iba pang lugar sa bansa ang water distribution system sa Metro Manila para sa maayos na suplay ng tubig.

Facebook Comments