Darating sa bansa ngayong araw ang 88 labi ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) mula Saudi Arabia.
Alas-11:00 ngayong umaga ililipad ang mga labi ng mga Pinoy sakay ng dalawang eroplano ng Philippine Airlines.
Sa 88 labi, 45 ang nasawi dahil sa COVID-19 habang 43 ay dahil sa iba pang kadahilanan.
Manggagaling ang mga ito sa Al Khobar, Jeddah at Riyadh.
Una nang binigyan ng gobyerno ng Saudi ng hanggang July 4, 2020 ang Pilipinas para maiuwi ang labi ng mga OFW.
Gayunman, bigo ang pamahalaan na maiuwi agad ang mga labi dahil sa dami ng requirements.
Nabatid na aabot sa 353 mga Pinoy ang namatay sa iba’t ibang kadahilanan sa Middle East.
Facebook Comments