₱88-M NAIPAMAHAGI NG DOLE ILOCOS REGION SA ILALIM NG TUPAD PROGRAM

Pumalo na sa higit ₱88-milyon na tulong pinansyal ang naipamahagi ng Department of Labor and Employment (DOLE) Region 1 sa mga displaced workers sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) Program.
Ang nasabing halaga ay nai-distribute mula Enero hanggang sa buwan ng Setyembre.
Ayon sa DOLE Region 1, mayroong 141, 477 TUPAD workers ang nabigyan ng emergency employment at sila ay nagtrabaho para sa community works sa iba’t-ibang bayan sa rehiyon.

Ang TUPAD Program ng DOLE ay layong matulungan ang mga manggagawa na naapektuhan ng pandemya ng COVID-19.
Inilabas ang nasabing bilang kaugnay sa pagdiriwang ng National Statistics Month kung saan itinatampok ng DOLE ang isang virtual statistics exhibit na tinaguriang DOLE Digits. | ifmnews
Facebook Comments