88 porsyento ng pwersa ng PNP, nabakunahan na kontra COVID-19

Inaasahan ni Philippine National Police (PNP) Chief Police Gen. Guillermo Eleazar na makukumpleto na nila ang pagbabakuna sa mga tauhan ng PNP sa mga susunod na buwan matapos na umabot sa 88 porsyento ng kanilang tauhan ang nabukanahan na kontra COVID-19.

Sinabi ni PNP chief, 92,093 or 41.46% ng kanilang pwersa ang fully vaccinated na; habang 104,457 o 47.02% ang naturukan ng unang dose bakuna.

Sa ngayon aniya, 25,582 or 11.52% ng tauhan ng PNP ang hindi pa nabakunahan.


Kasama sa mga hindi nabakunahan ang ika-101 tauhan ng PNP na nasawi nitong August 23 dahil sa severe acute respiratory distress syndrome matapos magpositibo sa COVID-19.

Nakikiramay naman si Eleazar sa pamilya ng pulis kasabay ng pagtiyak na ibibigay ng PNP ang tulong sa pamilya ng nasawing pulis.

Facebook Comments