Cauayan City, Isabela- Kabuuang 1,049,603 o 84% ng indibidwal ang nakatanggap ng second dose ng COVID-19 vaccine sa buong lalawigan ng Isabela batay sa datos ng Provincial Health Office.
Habang 1,123,287 ang naturukan pa lang sa unang dose o katumbas ng 89.3% mula sa 80% 2022 target population na mabakunahan sa probinsya.
Bukod pa dito, 166,024 o 13.2% pa lang ang nakatanggap ng booster dose.
Umabot naman sa 80.6% ang vaccination consumption sa lalawigan.
Mayroon namang 279,205 o 24.3% sa adult population ang hindi pa nakakatanggap ng bakuna habang 169,107 o 39.9% naman sa pediatric population.
Patuloy naman ang paghimok sa publiko na magpabakuna upang magkaroon ng dagdag na proteksyon kontra COVID-19.
Facebook Comments