89-anyos na Ginang na Tumalon sa 3rd Floor ng CVMC, Negatibo sa COVID-19 Test

Cauayan City, Isabela- Kinumpirma ng pamunuan ng Cagayan Valley Medical Center na nagnegatibo sa resulta ng COVID-19 swab test ang isang 89-anyos na ginang na tumalon sa ikatlong palapag ng ospital kahapon ng madaling araw.

Ayon kay CVMC Chief Dr. Glenn Mathew Baggao, negatibo sa virus ang resulta ng ginang na kinilalang si Felisa Acosta na mula sa Tuguegarao City.

Aniya, nakakalungkot na hindi na nahintay pa ng suspected patient ang resulta ng kanyang swab test.


Sinabi pa ni Baggao na handa siyang harapin ang anumang imbestigasyon sa nangyaring insidente sa ospital.

Ipinag-utos na rin nito ang kada-30 minuto monitoring o pag-iikot sa mga suspected patient ng mga duty nurse sa isolation building upang hindi na maulit ang nangyaring insidente na ikinamatay ng ginang.

Inilibing na ang labi ni Ginang Acosta matapos ang nangyaring insidente.

Sa ngayon ay nasa 20 nalang ang bilang ng suspect cases na naka-admit sa nasabing ospital habang wala nang kumpirmadong kaso ng covid-19 sa rehiyon.

Facebook Comments