Pinangunahan nila Mayor Darwin Estrañero, Governor Ferdinand Tubban, at DSWD CAR Assistant Regional Director (ARD) for Operations Amelyn Cabrera ang pagbibigay ng certificates of occupancy sa mga beneficiaries na ginanap sa Sitio Hilltop,Barangay Lanna, Tabuk City.
Kabilang ang mga pamilyang nawalan ng tahanan noong kasagsagan ng Bagyong Lando noong 2015 ang mga nakatanggap ng pabahay gayundin ang mga informal settlers na hindi kayang makapagtayo ng bahay ayon sa City Social Welfare and Development Office (CSWDO).
Aabot sa 52 beneficiaries mula sa Barangay Lanna, 21 sa Calanan, 5 sa Agbannawag, at 11 sa Balong.
Inihayag ni ARD Cabrera na ang CSAP ay pagpapakita ng ‘bayanihan’, kung saan ang housing program ay nabuo sa pinagsamang mga tulong ng Tabuk City officials, iba’t ibang ahensya ng gobyerno at maging mga benepisyaryo ng programa.
Umabot naman sa 130,000 ang halaga ng construction materials na ginamit sa bawat pabahay habang nagdagdag ng P15,000 sa bawat benepisyaryo ang LGU Tabuk.
Nangako naman si Mayor Darwin Estrañero na magbibigay ito ng P2.5 million na halaga ng water system project sa Sitio Hilltop.
Hinimok naman ng mga opisyal ang mga benepisyaryo na magtulungan upang mapabuti pa ang kanilang komunidad.