89 Higher Education Institutions, nag-apply ng tuition hike – CHED

57

Humiling ng taas tuition sa Commission on Higher Education (CHED) ang nasa 89 na Higher Education Institutions (HEI) sa bansa para sa nalalapit na school year.

Nabatid na binigyan ng CHED ang HEI hanggang nitong July 1 para makapagsumite ng kanilang application.


Ayon kay CHED Chairperson Prospero De Vera, nakatanggap sila ng 393 applications, 89 ang humiling ng tuition increase habang nasa 304 ang umatras para itaas ang kanilang matrikula.

Kadalasan 25% ng pribadong HEIs ay nag-aapply para sa tuition hike.

Nasa 70% ng anumang tuition application ay napupunta sa sahod ng faculty members.

Facebook Comments