89 JOBSEEKERS, AGAD NA NATANGGAP SA TRABAHO SA BAYAMBANG JOB FAIR

Agad na natanggap o hired on the spot sa trabaho ang 89 jobseekers sa ginanap na malawakang job fair sa Bayambang noong Huwebes, Enero 29.

Naging bukas ang aktibidad sa mga aplikante para sa high school at senior high school graduates, college graduates, licensed professionals at skilled workers, maging ang mga oportunidad para sa fresh graduates at sa mga aplikanteng wala pang karanasan sa trabaho.

May kabuuang 635 aplikante ang nagparehistro, kung saan 357 ang pumasa sa paunang pagsusuri at walo ang nakapasok sa ‘near-hire’ status. Sa 89 naman na agad natanggap, 32 indibidwal ang nakatakdang maitalaga sa overseas employment.

Kaugnay nito, nananatiling bokal ang lokal na pamahalaan sa pagbubukas pa ng mga oportunidad para sa mga residente upang makatulong sa kanilang paghahanap-buhay.

Facebook Comments