Target ng Department of Labor and Employment (DOLE) na maiuwi sa bansa ang nasa 89 pang labi ng mga Pilipinong nasawi sa Saudi Arabia.
Una nang sinabi ng ahensya na 66 na labi ng mga OFW mula Saudi ang iuuwi sa darating na weekend.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni DOLE Sec. Silvestro Bello III na mas marami ang maiuuwi nila sa linggo kung makakakuha sila ng dalawang eroplano.
Aminado rin ang kalihim na natatagalan sila sa pag-uuwi sa mga labi dahil sa dami ng requirements.
Samantala, nasa tatlong milyong manggagawa na ang apektado ng COVID-19 pandemic.
Kabilang rito ang mga pansamantalang inalis sa trabaho at mga empleyadong nabawasan ang working hours o sumasailalim sa flexible work arrangement.
Facebook Comments