89% ng mga bilangguan sa buong bansa, malinis na sa illegal drugs – BJMP

Ipinagmalaki ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang halos nasa 90 porsiyento na ng mga bilangguan sa bansa ay PDEA Certified Drug Free Facilities na.

Ayon kay BJMP Director Deogracias Carreon Tapayan, 89 porsiyento ng 476 bilangguan ng ahensya ay hindi na nakitaan ng transaksyon ng pinagbabawal na gamot.

Tiniyak pa ni Tapayan na hindi sila titigil hanggang hindi magiging drug-free at contraband-free ang buong pasilidad ng BJMP.


Paliwanag ni Tapayan, binibigyan nila ng iba’t-ibang proyekto ang mga persons deprived of liberties habang nasa kanilang pangangalaga.

Samantala, ipinagmalaki naman ni DILG Secretary Eduardo Año, ang ginagawa ng BJMP sa pagsisikap nitong maibsan ang congestion ng mga bilanggo sa mga piitan.

Ayon kay Año, nabawasan ang national congestion rate ng higit sa 120 porsiyento mula sa dati nitong record na 612 porsiyento noong December 2017 na bumaba sa 488 porsiyento nitong November 2018.

Facebook Comments