𝐈𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐑𝐄𝐒𝐎𝐑𝐓 𝐒𝐀 𝐂𝐀𝐔𝐀𝐘𝐀𝐍, 𝐃𝐈𝐍𝐀𝐃𝐀𝐆𝐒𝐀 𝐍𝐀

CAUAYAN CITY- Nagsimula ng dumagsa ang bilang ng mga taong nagtutungo sa resort sa siyudad ng Cauayan.

Sa panayam ng IFM News Team kay Manager Locadia Ducusin, bahagyang nakaapekto sa kanilang kita ang pagsulputan ng mga ilog pasyalan.

Gayunpaman, nagsimula ng dumami ang mga nagtutungo sa kanilang resort ngayong buwan ng Hunyo dahil bakasyon na ng mga estudyante.


Aniya, hindi bababa sa isang daang katao ang nagtutungo bawat araw sa kanilang resort kung kaya’t kahit papaano ay sapat pa rin ang kanilang kinikita.

Mahigpit naman na ipinagbabawal sa kanilang resort ang pag-inom ng nakalalasing na inumin ng mga menor de edad.

Samantala, inaasahan naman ni Ginang Locadia na mas dadagsa pa ang bilang ng mga taong bibisita sa kanilang resort ngayong buwan ng Hunyo.

Facebook Comments