𝐒𝐆𝐋𝐆 π€π’π’π„π’π’πŒπ„ππ“, πˆπ’πˆππ€π†π€π–π€ 𝐒𝐀 ππ€π˜π€π 𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐍 πŒπ€ππ”π„π‹

 

Cauayan City – Bumisita ang Assessment Team ng Department of Interior and Local Government sa Bayan ng San Manuel upang isagawa ang Regional Asessment kaugnay sa Seal of Good Local Governance.

Sa pangunguna ni Engr. Cristina B. Somera, kanilang sinuri ang mga dokumento at mga pasilidad sa Lokal na Pamahalaan ng bayan ng San Manuel upang masiguro na naibibigay nila sa mga mamamayan ang serbisyong nararapat para sa kanila.

Matatandaang isa ang bayan ng San Manuel sa mga lugar sa buong lambak ng Cagayan na pinarangalan ng Seal of Good Local Governance.


Dahil sa pagtutulungan at pagkakaisa ng bawat tanggapan sa pamahalaan ng San Manuel sa pamumuno ni Municipal Mayor Faustino U. Dy, umaasa silang muli nilang makakamit ang parangal na SGLG.

Facebook Comments