89M doses ng bakuna kontra COVID-19, nabili ng bansa mula sa iba’t ibang vaccine manufacturers

Umakyat na sa 89 million doses ang COVID-19 vaccines ang na-procure o nabili ng Pilipinas mula sa iba’t ibang vaccine manufacturers sa buong mundo.

Ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, ang mga bakunang ito ay nagkakahalaga ng tinatayang nasa isang bilyong dolyar.

Sa kabuuang halaga na ito, nasa 400 million dollars na ang nabayaran ng pamahalaan.


Ang pondo aniyang ito ay hinugot mula sa national budget ng bansa at mga multilateral financial institutions, kung saan nakapag-loan ang Pilipinas para sa nagpapatuloy na COVID-19 vaccination program.

Hindi naman kasama sa 89 million doses na ito ang mga donasyong mula sa COVAX Facility.

Facebook Comments