Nagpulong sina Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Mindanao Command Chief Lt. General William Gonzales at Bangsamoro Autonomous Region Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim para talakayin ang pagpapalakas ng security operations sa rehiyon.
Ang high-level security meeting kasama ang mga military commanders sa rehiyon at senior ministers ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ay isinagawa kahapon sa Cotabato City.
Tinalakay dito ang mga agresibong kampanya laban sa mga local terrorist groups sa rehiyon, partikular ang sabayang pagtugis sa mga responsable sa pambobomba sa Mindanao State University (MSU) sa Marawi City.
Kasama rin sa mga tinalakay ang pagpapalakas ng Regional Peace and Order Council; ang activation ng Bangsamoro Task Force in Ending Local Armed Conflict, ang decommissioning program at ang pagtatatag ng reformation centers sa rehiyon para sa rehabilitasyon, de-radicalization at counseling ng mga dating rebelde.