8th Annual Sikh Parade sa Dagupan City Pinagdiwang!

Naging Single lane ang Caranglaan-Calasiao Dagupan hanggang Downtown Road 1:00-4:00pm dahil sa pagdiriwang ng mga Indian sa kanilang 8th Annual Sikh Parade na ginaganap taon taon sa Dagupan City.
Ang Sikh parade ay inorganisa ng Guru Nanak Indian Sikh Temple Dagupan City dahil sa pagdiriwang ng mga Indian Community sa kaarawan ni GURU NANAK DEV JI na nagtatag ng Sikhism. Habang nililibot ang daan ng Dagupan City namimigay ang mga ito ng inumin at prutas sa mga taong nadadaanan at sa mga drayber ng mga jeep. May dala dala rin silang mga walis at pinupulot ang mga basurang nadadaanan nila.
Tuwang tuwa naman ang ilang mga jeepney drayber dahil sa simpleng inumin napatid ang uhaw nila sa pagdradrayb maghapon.
[image: Inline image 1] [image: Inline image 3][image: Inline image 2]


Facebook Comments