8th Congressman Randolph Sera Ting Chess Cup, Pinangunahan Nina Dela cruz at Fernandez

Tuguegarao City, Cagayan โ€“ Pinangunahan ng 15 anyos na si Bencelie Fernandez ng Solana, Cagayan ang Juniors Division ng 8th Congressman Randolph Sera Ting Chess Cup na katatapos lamang sa hapong ito ng Pebrero 4, 2018.

Samantala, ang 12 anyos na si Benedict dela Cruz ng Bagay, Tuguegarao ang nanguna naman sa Kiddies Division sa naturang torneo.

Ang Juniors Division ay edad 13 hanggang 19 at ang Kiddies naman ay 12 taong gulang pababa. Ginawa ang torneo sa format na 5 Round Swiss System.


Ang kumumpleto sa top ten sa Kiddies Division ay sina Jasper Pascual ng Iguig Jessie Achiles Sanguir ng Tuguegarao, Florante Decena ng Enrile, John Wilbert Casagan ng Tuguegarao, Eden Aubrey Failano ng Claveria, Eunice Joy Bucayu ng Tuguegarao, Rainer Monteclaro ng Tuguegarao, Charles Andrei dela Cruz ng Alcala at Nickolei Jay Aquino ng Tuguegarao.

Samantala ang top ten naman sa Juniors ay kinumpleto nina Rod Ivan Lazo ng Ballesteros, Alexander Jude Malabad ng Tuguegarao, Angelo Martin ng Tuguegarao, Kenneth Francis Reyes ng Enrile, Carmelo Sorita ng Tuguegarao, Justine Mark Respecio ng Tuguegarao, Mary Rose Musni ng Gattaran, John Samuel Gamata ng Tuguegarao at Xyrene Keith Medrano ng Peรฑablanca.

Ang 8th Congressman Randolph Sera Ting Chess Cup ay isinagawa nitong Pedrero 3 at 4, 2018 sa SM Tuguegarao Downtown na kung saan ay itinaon sa kaarawan ni Cagayan Congressman Randolph Randy S Ting.

Ang naging tagapamahala sa torneo ay ang Cagayan Chess Development Club, Incorporated ni Ginoong Apolinario Agustin.

Facebook Comments