Kasabay ng ika-8 taong anibersaryo ng kamatayan ng Korean businessman na si Jee Ick Joo, inalala ng Korean community ang kanyang pagkamatay.
Sa isang programa sa Philippine National Police (PNP) headquarters, ginunita ng Korean Embassy at grupo ng mga negosyanteng Koreano ang kamatayan nito.
Nag-alay ng bulaklak ang asawa ni Jee, gayundin ang ilang kinatawan mula sa Office of the Solicitor General ng Pilipinas.
Si Jee Ick Joo ay nasawi sa kamay ng anti-illegal drugs police sa loob mismo ng Kampo Krame noong 2016.
Ngayong taon lang, binaligtad ng Court of Appeals ang pag-abswelto ng Angeles City, Pampanga RTC kay Supt. Rafael Dumlao, ang itinuturong mastermind sa pagdukot sa dayuhan.
Matatandaang kinidnap si Jee bago dinala sa Kampo Krame kung saan siya pinatay sa sakal noong Oktubre 18, 2016.
Una nang na-convict ng korte ang iba pang salarin na sina Police Chief Master Sergeant Ricky Sta. Isabel at Police Executive Master Sergeant Jerry Omlang.