8TH | Pilipinas, pang-walo sa “best countries for women” list ng world economic forum

Manila, Philippines – Pang-walo ang Pilipinas sa listahan ng pinaka-mainam na bansa para sa mga babae.

Sa pinakabagong global gender gap index report ng world economic forum, nakakuha ng 7.99 na average score ang Pilipinas.

Habang sa ika-sampung sunod na taon, nanguna ang Iceland na may index score na 8.58.


Pumangalawa naman ang Norway, pangatlo at Sweden at pang-apat ang Finland.

Ang Nicaragua na nasa pang-62 puwesto noong 2006, nasa ika-limang puwesto na ngayong taon.

Pasok din sa top 10 ang Rwanda, New Zealand, Ireland at Namibia.

Samantala, kabilang naman sa sampung bansa na maituturing na “worst countries for women” ang:

1. Yemen
2. Pakistan
3. Iraq
4. Syria
5. Chad
6. Democratic Republic of Congo
7. Mali
8. Iran
9. Saudi Arabia
10. Lebanon

Facebook Comments