9, 000 DOSES NG MODERNA VACCINE, DUMATING SA ILOCOS REGION

62

Handa nang ibakuna ng Department of Health-Center for Health Development Region 1 ang kauna-unahang suplay ng Moderna Vaccine na dumating sa rehiyon.

Ayon sa DOH-CHD1, aabot sa 9, 000 na Moderna Vaccine ang ibinaba sa storage facility ng rehiyon sa San Fernando City.


Nakatakda itong iturok sa A1 hanggang A4 eligible group ng Region 1.

Ito na ang ika-anim na bakunang dumating sa rehiyon kabilang ang Sinovac, Astrazeneca, Pfizer, Gamaleya Sputnik at Janssen Vaccine.

Sinabi ng ahensya na sa kabila ng pagkakaroon ng iba’t-ibang suplay ng COVID-19 Vaccine nanatili ito sa pagpapatupad ng “brand agnostic”policy sapagkat lahat ng mga bakunang dumarating dito ay ligtas at epektibo dahil nabigyan ng EUA ng FDA.

Facebook Comments