9.1 milyong halaga ng shabu, nakumpiska sa dalawang drug suspek sa Taguig

Arestado ang dalawang drug suspek sa Taguig City matapos makuhaan ng P9.1 milyong halaga ng shabu.

Kinilala ang mga ito na sina; Jaime Nepacina at Eskak Kamsa na nahuli sa Road 16, Purok 2, Maguindanao St. Barangay New Lower Bicutan, Taguig City.

Sa ulat ng Southern Police District, pasado alas-4 ng hapon kahapon nang isagawa ng mga tauhan ng Taguig CPS ang operasyon dahilan para mahuli ang mga drug suspek at makuha ang 27 na piraso ng transparent sachet na may lamang shabu.


May bigat itong nasa 1 kilo at 350 gramo na may standard drug price na P9,180,000.00.

Sa ngayon, nahaharap na sa kasong paglabag sa Article II ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Acts of 2002 ang mga suspek.

Facebook Comments