9.3 million na trabaho, nalikha sa harap ng pandemya – NEDA

Nakapagtala ang National Economic and Development Authority (NEDA) ng halos 9.3 million na trabaho na nalikha mula April 2020 kasabay ng pagbubukas ng ekonomiya ngayong pandemya.

Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua, halos 600,000 trabaho ang nadagdag mula nitong Pebrero.

Pero kasabay ng papatupad ng dalawang linggong enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR plus, aabot sa ₱19.6 billion ang nawalang kita sa bawat pamilya kada linggo.


Nasa ₱14.7 billion naman ang nawawala kada linggo sa ilalim ng modified ECQ.

Sa kabuuan, aabot sa ₱83.3 billion ang nawala sa pagpapatupad ng mahigpit na lockdown.

Ang unemployment rate ay tumaas ng 8.8% nitong Pebrero 2021 mula sa 8.7% noong Enero.

Facebook Comments